Crossovers umentra sa quarters

Pinaluan ni Seth Rodriguez ng Chery Tiggo sina ZUS Coffee import Asaka Tamaru at rookie Sharya Ancheta.
PVL

MANILA, Philippines — Ibinulsa ng Chery Tiggo ang quarterfinals ticket matapos dominahin ang sibak nang ZUS Coffee, 25-18, 25-18, 25-19, sa Pool C sa crossover second round ng 2024 Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference kahapon sa MOA Arena sa Pasay City.

Naghulog si American import Khat Bell ng game-high 28 points mula sa 24 attacks at apat na blocks at may 11 markers si M­ylene Paat para giyahan ang Crossovers sa 5-2 record.

Makakasama nila sa knockout quarterfinals ang Akari Chargers (7-0), Cignal HD Spikers (6-1) at PLDT High Speed Hitters (5-2).

Bagsak ang Thunderbelles sa 0-7 marka.

“I’m so proud of the team. I admire their attitude and motivation to bounce back. They really worked hard,” ani Bell sa naunang five-set loss ng Chery Tiggo sa Choco Mucho.

Pinamunuan ni Japanese import Asaka Tamaru ang ZUS Coffee sa kanyang 12 points habang may siyam at limang marka sina Michelle Gamit at Sharya Ancheta, ayon sa pagkaka­sunod.

Ang huling dalawang puntos ng Crossovers ay nanggaling kay Bell para selyuhan ang panalo sa Thunderbelles.

Samantala, umeskapo ang Petro Gazz sa PLDT, 22-25, 25-19, 23-25, 25-19, 16-14.

Sumilip ng tsansa sa quarterfinals ang Gazz Angels sa kanilang 4-3 baraha.

Show comments