^

PM Sports

Yulo babalik sa 2028 Olympics

Chris Co - Pang-masa
Yulo babalik sa 2028 Olympics
Kumakaway si Caloy Yulo sa kanyang mga kababayan sakay ng bangka papunta sa kanyang P32-M condo unit sa McKinley Hills sa Taguig City.
Ryan Baldemor/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Hindi pa man humuhupa ang selebrasyon sa panalo nito sa Paris Olympics, nagdeklara na si Carlos Yulo na target nitong depensahan ang kanyang titulo sa 2028 Olympic Games sa Los Angeles, California.

Walang duda na si Yulo ang pinakamatagumpay na Pinoy athlete sa Olympics matapos makapag-uwi ng dalawang gintong medalya sa Paris Games

Ngunit walang balak tumigil si Yulo sa pag-abot ng kanyang mga pangarap dahil nais pa nitong makapagbigay ng karangalan sa bansa sa 2028 LA Olympics.

Handa si Yulo na mu­ling ibuhos ang kanyang dugo’t pawis para masigurong preparado ito para sa susunod na edisyon ng Olympic Games.

“Naka-gold na po tayo pero magco-compete pa rin po ako sa 2028 Olympics. Paghahandaan ko ang 2028 LA Olympics,” ani Yulo.

Sa ngayon, nais ni Yulo na namnamin ang tagumpay nito.

Bumubuhos din ang biyaya matapos matanggap ang ilan sa mga naipangakong insentibo sa kanya.

Una na ang tumatagin­ting na P20 milyon mula sa gobyerno na personal nitong natanggap mula kay Pangulong Bongbong Marcos nang mag-courtesy call ang Team Philippines noong Martes sa gabi sa Malacañang.

Nakuha na rin ni Yulo ang susi sa bagong-bagong three-bedroom fully-furnished condo unit nito sa McKinley Hills sa Taguig City na nagkakahalaga ng P32 milyon kasama ang parking slot.

Maliban sa condo, nagbigay pa ang Megaworld ng karagdagang P3 mil­yong cash incentive.

Sa dami ng mga imbi­tasyon, nais ni Yulo na mag­­karoon din ng sapat na pahinga.

Matapos ang mahabang biyahe mula sa Paris pabalik sa Pilipinas, agad na sumalang sa iba’t ibang events si Yulo kasama ang iba pang miyembro ng Team Philippines.

Nagkaroon pa ng parada kahapon ang Team Phi­lippines na umikot sa ilang bahagi ng Maynila para mabigyan ng pagkakataon ang mga kababayan nitong masilayan ang bagong bayani ng bansa.

“Gusto ko rin po muna magpahinga dahil ilang buwan din na walang pahinga para sa preparation sa Paris Olympics,” ani Yulo.

CARLOS YULO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with