MANILA, Philippines — Si Japanese coach Munehiro Kugimiya ang humubog kay Pinoy gymnast Carlos Edriel Yulo para maging isang double-gold medalist sa katatapos lamang na 2024 Paris Olympic Games.
Kaya agad siyang kinuha ng Gymnastics Association of Thailand (GAT) para maging teacher at adviser ng kanilang artistic gymnastics team.
Ngunit ito ay mula Agosto 12 hanggang Agosto 21 lamang.
“The Gymnastics Association of Thailand has invited Mr. Munehiro Kugimiya, a Japanese coach who has developed Carlos Edriel Yulo, a two-time Olympic gold medalist in Paris, to teach and provide advice on techniques to the Thai national male artistic gymnasts from 12-21 August 2024 at the Phetkasem 81 Training Center,” pahayag ng GAT sa kanilang Facebook post kahapon.
Ang Thailand ang magiging host country ng 33rd SEA Games sa Disyembre 9 hanggang 20 sa susunod na taon.
Limang silver medals lamang ang nakuha ng mga Thais sa 2023 SEA Games na idinaos sa Cambodia kung saan sila humakot ng kabuuang 108 golds, 96 silvers at 108 bronzes para sumegunda sa overall champion Vietnam (136-105-114).
Tumapos ang Pilipinas sa No. 5 mula sa nakuhang 58 golds, 86 silvers at 116 bronzes.
Sa ilalim ni Kugimiya ay nakapagsanay si Yulo sa Japan at nakakuha ng mga gold medals sa World Championships, Asian Championships at SEA Games.
Sinimulang hawakan ng Japanese mentor si Yulo sa edad na 13-anyos bago sila nagkahiwalay noong Mayo.
“I feel like I’ve outgrown our relationship,” ani Kugiyama.
Si Cebuano coach Aldrin Castañeda ang pumalit kay Kugiyama.