MANILA, Philippines — Hindi lamang ang pagsabak sa nakaraang 39th Kadayawan Festival sa Davao ang inatupag ng Rain or Shine kundi ang pagdaraos ng isang team building bilang preparasyon sa Season 49 PBA Governors’ Cup.
“Maraming nangyari doon sa Davao. Of course, it was capped by a championship, pero sa tingin ko ang importante doon is the time we spent together,” wika ni coach Yeng Guiao.
Naghari ang Elasto Painters sa nasabing four-day tournament kasama ang runner-up at UAAP men’s basketball champion De La Salle Green Archers, Phoenix Fuel Masters at Converge FiberXers.
“The time that we’re able to know each other better especially for the three rookies,” ani Guiao kina first round picks Felix Lemetti at Caelan Tiongson at second round selection Francis Escandor.
Ipinarada ng Rain or Shine sa Kadayawan Festival si balik-import Aaron Fuller.
“Nag-team building na rin kami doon sa Davao. At the same time, we’re also able to gel our rookies, bond with our rookies and introduced to them our culture, our philosophies,” wika ng seven-time PBA champion coach.
Nakatakdang buksan ang Season 49 PBA Governors’ Cup sa Agosto 18.
Ang height limit para sa mga imports ay 6-foot-6.
Sasabak sa torneo sina Justin Brownlee (Ginebra), Allen Durham (Meralco), Glenn Robinson III (Magnolia), Jordan Adams (San Miguel), Darius Days (TNT Tropang Giga), Ricky Ledo (Blackwater), Scotty Hopson (Converge), Brandon Edwards (Terrafirma), Myke Henry (NLEX) at Taylor Johns (NorthPort).