MANILA, Philippines — Sa ikalawang sunod na pagkakataon ay binasag ni Marina Tushova ng Capital1 Solar Energy ang Premier Volleyball League (PVL) all-time single-game scoring record.
Humataw ang 25-anyos na Russian import ng 49 points sa five-set win ng Solar Spikers kontra sa Nxled Chameleons sa Pool D ng 2024 PVL Reinforced Conference noong Sabado.
Ginawa ito ni Tushova kahit nagkaroon ng right arm injury ilang araw bago ang nasabing laro.
“The hardest moment was on the serve, you have to serve and now it’s going to hurt you. After you attack, you spike and spike, but you don’t feel anything,” sabi ng outside hitter. “You feel but the pain doesn’t matter.”
Unang nagtala si Tushova, miyembro ng Russian national team na nagreyna sa 2016 Europe Under-19 Championships, ng bagong PVL scoring mark na 45 markers sa panalo ng Capital1 sa Choco Mucho noong Agosto 1.
Sumasakasay sa franchise-best na three-game winning streak para sa 4-2 record, kailangan lamang talunin ng Solar Spikers ang Farm Fresh Foxies (2-4) sa Huwebes para makapasok sa knockout quarterfinals.
“It was my goal to play here. I got an invitation a few years ago but we didn’t meet on the agreement between the team. I was really looking for a team here, so they (Capital1) found me,” pahayag pa ni Tushova.