^

PM Sports

9 teams bibida sa MPVA

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinalakas at pina­daming cast ang bibida sa bagong season ng Maharlika Pilipinas Volleyball Association (MPVA) simula sa Linggo sa Strike Gym sa Bacoor City.

Mula sa walo, akyat sa siyam na koponan ang maghahampasan sa ikalawa subalit unang full regular season ng MPVA matapos pagwagian ng Bacoor Strikers ang inaugural season noong Dis­yembre.

Bukod sa Bacoor, ha­hataw sa MPVA ang second-placer na Negros at third-placer na Marikina kasama ang mga nagbabalik na teams na Biñan, Rizal, San Juan at Caloocan.

Bagong papaparada naman ang Quezon Pro­vince at Valenzuela habang wala muna ngayong season ang Nasipit mula sa Agusan del Norte matapos ang kanilang paglahok sa inaugural season.

Tampok sa roster ng mga koponan ang mga dating pro volleyball pla­yers, varsity athletes at tatlong homegrown pla­yers mula sa kani-kanilang mga bayan.

Magbabardagulan sa double-round eliminations ang lahat ng koponan kumpara sa single round lang sa inaugural season tampok ang Top 4 teams na makakapasok sa semifinals. Hahawak ng twice-to-beat incentives ang Top 2 teams pagdating sa Final Four.

Subalit higit sa pinaka­matinding kompetisyon, panibagong hakbang ito ni boxing legend at dating senador Manny Pacquiao para bigyan ng oportunidad ang mga nangangarap na atleta at mapalakas ang ibang sports hindi lang ang basketball.

VOLLEYBALL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with