MANILA, Philippines — Markado sa mga karerista ang Don Julio sa magaganap na 2024 PHILRACOM “A.P. Reyes Memorial Race” na ilalarga sa Agosto 18 sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas.
Ayon sa ibang karerista na may husay sa karera ang Don Julio kaya malaki ang tsansa nitong manalo kontra apat na tigasing kalahok sa distansyang 1,600 meter race.
Rerendahan ni jockey John Allyson Pabilic, makakalaban ng Don Julio ang Diversity, Easy Does It, Eutychus at Miss Hibiki sa event na nakalaan ang P500,000 guaranteed prize na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta.
Pakay ng grupo ng Don Julio na masungkit ang P300,000 premyo sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM), habang hahamigin ng second placer ang P112,500 at tig P62,500 at P25,000 ang third at fourth ayon sa pagkakasunod.
Naghayag din ng saloobin ang ibang karerista, posibleng magbigay ng magandang laban sa Don Julio ay ang Diversity na sasakyan ni star jockey Jeffril Tagulao Zarate.
Paniguradong magandang laban ang masisilayan ng mga karerista kaya magiging masaya ang kanilang paglilibang.
Samantala, atat na rin ang mga karerista na makita ang line up sa 1st Leg 3-Year-Old Imported/Local Challenge race na pasisibatin sa Setyembre 1 sa parehong lugar.
Samantala, atat na rin ang mga karerista na makita ang line up sa 1st Leg 3-Year-Old Imported/Local Challenge race na pasisibatin sa Setyembre 1 sa parehong lugar.