^

PM Sports

Baling Rikit, Laughing Tiger’ Dead Heat’

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakasaksi ng mainitang labanan ang mga karerista noong Sabado ng hapon matapos ang “Dead Heat” resulta sa pagitan ng Baling Rikit at Laughing Tiger sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na nilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.

Dineklarang DH kaya dalawa ang nanalong kabayo at dahil doon ay sulit agad ang paglilibang ng mga karerista sa unang race.

Pagtawid ng finish line ng Baling Rikit at L­aughing Tiger ay nahira­pan ang mga Board of Stewards na magdesisyon dahil masyadong dikit ang labanan kaya naman nauwi ito sa “Dead Heat”.

Paglabas pa lang ng aparato ay nagtagisan na ng bilis ang Baling Rikit at Laughing Tiger kung saan ay nasa limang kabayo ang agwat nila sa humahabol sa tersero puwesto na Jambo.

Pagdating ng far turn ay hindi pa rin nagbago ang nagbabakbakan sa unahan at nasa tersero ang Jambo at kulelat ang Superhawk.

Mas naging makapigil-hininga ang labanan pagsungaw ng rektahan kung saan ay magkapantayan pa rin ang Baling Rikit at Laughing Tiger sa unahan.

Hanggang sa huling 100 metro ng kayugan ay lumalakas ang sigawan ng mga karerista at ang iba pa ay napalundag nang tumawid ang Baling Rikit at Laughing Tiger sa meta.

Naghintay ng ilang minuto ang mga karerista sa resulta at nang lumabas ang resulta ay marami ang natuwa at kuntento sa na­ging desisyon.

Nirehistro ng Baling Rikit at Laughing Tiger ang tiyempong 1:30.8 minuto sa 1,400 meter race at paghahatian nila ang P10,000 added prize.

 

PHILRACOM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with