Ika-3 sunod target ng Cool Smashers

MANILA, Philippines — Target ng Creamline ang ikatlong sunod na panalo sa pagsagupa sa kulelat na Galeries Tower sa 2024 Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference sa Philsports Arena sa Pasig City.

Haharapin ng Cool Smashers ang Highrisers ngayong alas-3 ng hapon kasunod ang upakan ng PLDT High Speed Hitters at Chery Tiggo Crossovers sa alas-5 ng hapon.

Sa unang laro sa ala-1 ng hapon ay magkikita ang Nxled Chameleons at

Farm Fresh Foxies.

Solo ng PLDT ang liderato bitbit ang 3-0 record kasunod ang Creamline (2-1), Chery Tiggo (2-1), Farm Fresh (1-2), Nxled (1-2) at Galeries Tower (0-3).

Matapos yumukod sa High Speed Hitters ay kumamada ng dalawang sunod na panalo ang Cool Smashers laban sa Foxies at Crossovers, habang nagmula ang Highrisers sa five-set loss sa Foxies sa huli nilang laban.

Sa 25-20, 24-26, 25-16, 25-19 paggupo ng Creamline sa Chery Tiggo ay humataw si Bernadette Pons ng 25 points, habang may 21, 17at 12 markers sina import Erica Staunton, Michele Gumabao at Bea de Leon, ayon sa pagkakasunod.

Samantala, puntirya ng High Speed Hitters ang ikaapat na sunod na panalo para patuloy na solohin ang liderato sa pagsagupa sa Crossovers.

Show comments