Condo unit ibibigay ng Megaworld sa Olympic gold medalist
MANILA, Philippines — Magbibigay ang property giant Megaworld ng isang fully-furnished two-bedroom residential condominium unit sa sinumang atletang Pinoy na makakapag-uwi ng gold medal sa 2024 Paris Olympic Games.
Ang nasabing condo unit na nagkakahalaga ng P24 milyon ay nasa loob ng 50-hectare McKinley Hill township sa Taguig City kung saan makikita ang pamosong Venice Grand Canal.
“This 2024, we are celebrating our 100th year of participating in the Olympic Games, and what a way to celebrate this milestone by recognizing the superb competitive spirit of our newest Olympic gold medalist and welcoming them to McKinley Hill,” ani Megaworld president Lourdes T. Gutierrez-Alfonso.
Nagsabak ang Pilipinas ng 22 atleta sa Paris Olympics sa pangunguna nina EJ Obiena ng athletics, Nesthy Petecio at Carlo Paalam ng boxing at Carlos Yulo ng gymnastics.
Ang McKinley Hill ay isa sa apat na Megaworld township developments na nasa loob ng Fort Bonifacio at ang isa sa pinakamalaking townships ng kumpanya sa Metro Manila.
Ito rin ang tahanan ng exclusive McKinley Hill Village, residential condos at villas, office towers, schools, foreign embassies at ng McKinley Hill Football Stadium.
- Latest