Valdez saludo kay Delgaco

MANILA, Philippines — Humanga ng husto si Creamline team captain Alyssa Valdez kay Olympian Joanie Delgaco na kasalukuyan sumasabak sa 2024 Paris Olympics rowing competitions.

Mataas ang respeto ni Valdez kay Delgaco na nagbuhos ng sakripisyo upang mabigyan ng karangalan ang bansa sa Olympics.

Alam ni Valdez ang paghihirap ng isang atleta sa training dahil naging bahagi rin ito ng national team sa mga nakalipas na taon.

Kaya naman mataas ang respeto ng Creamline veteran player sa lahat ng atletang lumalaban para sa Pilipinas.

“Kahit anong mangyari buo ang tiwala namin sa iyo. Anuman ang mangyari sa journey mo ngayong Olympics, saludong-saludo kami sa iyo,” ani Valdez.

Bago maging rower, nag­laro muna si Delgaco ng volleyball noong nasa high school pa lamang ito.

At isa si Valdez sa mga hinahangaan nitong player sa mundo ng volleyball.

Umaasa si Valdez na makakapanood si Delgaco sa mga laro ni Valdez.

“I can’t wait to see you here in the Philippines at makapanood din ng mga volleyball games. Mas marami kang nai-inspire na mga atleta hindi lang ako,” ani Valdez.

Isa si Delgaco sa 22 atletang Pinoy na bahagi ng Team PHL sa Paris Olympics.

Show comments