^

PM Sports

Petecio isinalba ang Team Philippines

Nelson Beltran - Pang-masa
Petecio isinalba ang Team Philippines
Nesthy Petecio

PARIS — Kapwa kabi­guan ang nalasap nina boxer Eumir Marcial at swimmer Kayla Sanchez, habang isinalba ni lady fighter Nesthy Petecio ang kampanya ng Team Phi­lippines sa 2024 Olympic Games.

Ang kabiguan at pighati ang tumabon sa naunang panalo ni Petecio kay Indian Jaismine Lamboria sa women’s 57kg Round of 32 clash sa Paris North Arena.

Yumukod si Marcial sa mas bata at mas matangkad na si Uzbek Turabek Khabibullaev sa kanilang men’s 80kg Round of 16 bout.

Katulad ni Marcial ay mas matangkad din kay Petecio ang nakaharap na si Lamboria.

Ngunit dinomina ni Petecio si Lamboria para kunin ang unanimous decision win.

“Maganda ang game plan namin ni coach Rey Galido at nag-stick lang ako doon,” ani Petecio na sunod na haharapin si Chinese Taipei Lin Yu Ting  sa Round of 16.

Sa swimming pool sa Paris La Defense Arena ay naglista si Sanchez ng 54.21 segundo para tumapos sa ika-15 puwesto sa kabuuang 16 semifinalists sa 100m freestyle event.

Nauna nang ipinoste ni Sanchez, ang silver at bronze winner ng Canadian relay team sa 2021 Tokyo Games, ang bagong Philippine record na 53.67 segundo sa heats.

Sina Marcial at Sanchez ang mga pinakahuling nasibak sa 22-strong Philippine contingent matapos sina fencer Sam Catantan, judoka Kiyomi Watanabe at gymnasts Aleah Finnegan, Emma Malabuyo at Levi Ruivivar.

Sasandal ngayon ang Team Philippines kina bo­xers Carlo Paalam, Aira Villegas, Petecio at Hergie Bacya­dan, habang nakatakdang sumalang si gymnast Carlos Yulo sa all-around finals sa Bercy Arena.

Sa pagkakasibak kay Sanchez ay si Jarod Hatch na lamang ang nag-iisang swimmer ng bansa na lalahok sa men’s 100m butterfly sa Biyernes.

 

vuukle comment

NESTHY PETECIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with