^

PM Sports

Solong liderato pakay ng Akari

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pupuntiryahin ng Akari ang solong liderato, habang ang ikalawang sunod na panalo ang hangad ng Choco Mucho sa Pool B ng Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Confe­rence sa Philsports Arena sa Pasig City.

Lalabanan ng Chargers ang ZUS Coffee Thunderbelles ngayong alas-5 ng hapon matapos ang bakbakan ng Flying Titans at Capital1 Solar Spikers sa alas-3 ng hapon.

Sa unang laro sa ala-1 ng hapon ay haharapin ng Cignal HD Spikers ang nagdedepensang Petro Gazz Angels.

Magkasosyo sa liderato ang Akari at Cignal sa magkatulad nilang 3-0 record kasunod ang Choco Mucho (1-2), Petro Gazz (1-2), Capital1 (1-2) at ZUS Coffee (0-3).

Huling biniktima ng Chargers ang Gazz Angels, 23-25, 21-25, 25-23, 29-27, 16-14, tampok ang 31 points ni American import Oly Okaro.

“Here in Akari, we have a lot of strong players so it really helps to ease the load off of me. I don’t feel so much pressure thinking that I have to create alone,” pagtukoy ni Okari kina Ivy Lacsina, Grethcel Soltones at Ced Domingo.

Ang unang panalo naman ang target ng ZUS Coffee matapos ang mga kabiguan sa Petro Gazz, Cignal at Choco Mucho.

Sa ikalawang laro, puntirya ng Flying Titans na maduplika ang 14-25, 25-20, 25-19, 25-18 panalo sa Thunderbelles sa pagharap sa Solar Spikers.

Nanalo ang Choco Mucho kahit sa first set lamang ginamit ni coach Dante Alinsunurin si Greek import Zoi Faki.

 

CHOCO MUCHO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with