POC optimistiko sa laban ng Team Philippines

MANILA, Philippines — Nananatiling mataas ang moral ng pambansang dele­gasyon sa kabila ng pagkakasibak ng ilang miyembro nito sa 2024 Paris Olympics.

Kasama na sa namaalam sa kontensiyon si Tokyo Olympics bronze medalist Eumir Marcial na isa pa naman sa inaasahang magbibigay ng medalya sa bansa.

Sa kabila nito, optimistiko pa rin si Philippine Olympic Committee president Abraham “Bambol” Tolentino.

“Full speed ahead. The campaign for medals, especially gold, is hot on track,” ani Tolentino.

Aminado si Tolentino na masakit ang pagkatalo ni Marcial. Ngunit malaki ang tiwala nito sa boxer.

Hindi pa ito ang katapusan ng lahat.

“I know how painful it is for Eumir to bear the loss. We feel his disappointment and frustration, but it’s not the end all for him,” ani Tolentino.

Sinabi ni Tolentino na hindi para kay Marcial ang light heavyweight division — malayo sa kanyang orihinal na timbang na middleweight kung saan ito nakakuha ng tanso noon sa Tokyo Olyjmpics.

“But if we look at the tangibles, the light heavyweight is not for Eumir. He’s small for the weight class, while the other bo­xers are bigger and heftier,” ani Tolentino.

Sibak na rin si Kiyomi Watanabe sa women’s judo kung saan umani ito ng kabiguan sa kamay ni Chinese Tang Jing via ippon sa women’s -63kg round of 32.

Nauna nang nasibak sina Levi Ruivivar, Emma Malabuyo at Aleah Finnegan sa gymnastics at Samantha Catantan sa fencing.  

Show comments