Wemby, France lusot sa Japan

PARIS — Kumolekta si Victor Wembanyama ng 18 points, 11 rebounds, 6 assists, 2 steals at 2 blocks sa 94-90 overtime win ng France kontra sa Japan sa 2024 Olympic Games men’s basketball tournament.

Iniskor ng 7-foot-4 na San Antonio Spurs rookie ang kanyang walong puntos sa extra period para sa ikalawang sunod na panalo ng France.

Ang dalawang free throws ni Matthew Strazel ang tumapos sa tsansa ng Japan na makadikit.

Kinumpleto ni Strazel ang isang four-point play sa huling 10.2 segundo ng regulation para dalhin ang France sa overtime, 84-84.

Show comments