PARIS — Inaasahang magtutungo rito si 2021 Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz para sa Paris Games weightlifting competition na magbibigay ng inspirasyon sa tatlong pambato ng Pilipinas.
“Makita lang siya, siguradong makaka-inspire,” wika ni Samahang Weightlifting ng Pilipinas president Monico Puentevella kay Diaz.
Nakasulat na sa kasaysayan ng Philippine sports ang pangalan ni Diaz bilang kauna-unahang Olympic gold medalist ng bansa.
“Her presence will definitely add much-needed inspiration to all our athletes competing in these Games especially that we have a very good start in this Olympics,” sabi ni Philippine Sports Commission chairman Richard Bachmann.
Bigo si Diaz na makalahok sa kanya sanang pang-limang sunod na Olympic appearance, ngunit magtutungo sa Paris Games bilang miyembro ng International Weightlifting Federation Athletes Commission.
Maaring panoorin niya sa competition hall si John Febuar Ceniza na lalahok sa men’s 61kgs sa Agosto 7 kasunod sina Elreen Ando sa women’s 59kgs sa Agosto 8 at Vanessa Sarno sa women’s 71kgs sa Agosto 9.