^

PM Sports

Faki ibinangko ng Choco Mucho

Russell Cadayona - Pang-masa
Faki ibinangko ng Choco Mucho
Zoi Faki

MANILA, Philippines — Sa first set lamang pinaglaro ni coach Dante Alinsunurin si Zoi Faki sa 14-25, 25-20, 25-19, 25-18 pag-eskapo ng Choco Mucho sa ZUS Coffee sa Pool B ng 2024 PVL Reinforced Conference noong Sabado sa Philsports Arena sa Pasig City.

Ayon kay Alinsunurin, wala pa sa 100 percent ang playing condition ng kanilang Greek import kaya tuluyan na niya itong ibinangko sa sumunod na tatlong sets.

“Nakita ko lang na hanggang ngayon medyo pagod pa rin si Zoi sa ginagawa namin,” paliwa­nag ni Alinsunurin. “Nakita rin ng mga coaches namin na mas mababawasan na iyong gusto naming gawin sa loob ng court kasi nga mas iniintindi pa namin siya kung ano ang dapat gawin namin.”

Naiwasan ng F­lying Titans na mabaon sa 0-3 para ilista ang unang panalo sa torneo matapos ang dalawang sunod na kamalasan.

Sa pagpapaupo kay Faki ay ipinalit ni Alinsunurin si opposite spiker Dindin Santiago-Manabat matapos ang kanilang 14-25 kabiguan sa Thunderbelles sa first set.

“Madali namang i-guide si Dindin kasi ka­kilala ko na rin siya before pumunta rito, kaya kung ano lang iyong binibigay ko sa kanya, ginagawa naman niya,” ani A­lin­­­­sunurin kay Santiago-Manabat na nakuha nila mula sa Akari Chargers sa off-season.

Bagsak naman ang ZUS Coffee sa 0-3 marka.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with