^

PM Sports

RoS vs DLSU para sa korona ng Kadayawan Invitationals

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Magtutuos ang Rain or Shine at UAAP champion na La Salle sa bigating rematch para sa titulo ng 39th Kadayawan Invitational Basketball Tournament sa USEP Gym sa Davao City.

Naikasa ang ikalawang tapatan nang magtapos sa Top 2 spots ang Elasto Painters at Green Archers, ayon sa pagkakasunod, matapos ang magkasalungat na tagumpay sa dulo ng elimination round.

Naitakas ng La Salle ang 104-102 panalo kontra sa Phoenix habang tinambakan ng RoS ang Converge, 119-108.

Walang galos ang Elasto Painters sa tatlong salang habang sumegunda ang La Salle, sa 2-1, para sa inaabangang championship showdown habang isinusulat ang balitang ito.

RoS lang ang nakatalo sa La Salle, 106-105, sa opener subalit inaasahan ang higanti ng UAAP champions kahit bagito kontra sa pro team ng PBA para sa P200,000 na pabuya.

Kumamada ng 19 puntos si Kevin Quaimbao, may 16 puntos at 14 rebounds si Mike Phillips habang may ambag na 13 puntos si CJ Austria, kabilang na ang nagpanalong freethrow sa huling 4 na segundo.

Para sa RoS, bumandera uli si Aaron Fuller na may 21 puntos at 9 rebounds habang may 20 puntos si Andrei Caracut para sa malinis na kartada matapos ding talunin ang Phoenix, 104-102.

Maghaharap naman sa bronze medal match ang Converge (1-2) at Phoenix (0-3).

 

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with