^

PM Sports

La Salle ginulat ang Converge

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sinilat ng UAAP champion na La Salle ang pro team na Converge, 120-112, upang manatiling nasa kontensyon ng 39th Kadayawan Invitational Basketball Tournament kahapon sa USEP Gym sa Davao City.

Nagpakawala ng halos triple-double na 12 puntos, 7 rebounds at 7 assists si UAAP Kevin Quiambao upang trangkuhan ang upset win ng collegiate team kontra sa pambato ng PBA.

Sumuporta sa kanya si EJ Gollena na may 19 puntos para sa Green Archers, na naiganti ang dikit na 106-105 kabiguan kontra sa Rain or Shine kamakalawa.

Angat sa 1-1 kartada ang ROS at pwedeng makapasok sa Top 2 para sa championship game kung makakaisa uli kontra sa Phoenix na wala pang panalo sa 0-2 kartada.

Samantala, wala pa ring galos ang ROS matapos ang 104-102 panalo kontra sa Phoenix para mamuro sa Top-1 finish at pwesto sa finals ng 4-team tournament.

Tumabo ng 21 puntos at 19 rebounds ang import na si Aaron Fuller matapos maunang humakot ng 33 puntos at 18 rebounds sa comeback win nila kontra sa Green Archers.

Nakakuha naman siya ng suporta mula kina Gian Mamuyac at Anton Asistio na may 19 at 17 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Kailangang manalo ng ROS sa huling laban kontra sa Converge (1-1) upang makaiwas sa anumang kumplikasyon ng posibleng 3-way tie kasama ang FiberXers at Green Archers.

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with