E-Painters, FiberXers umeskapo

MANILA, Philippines — Umeskapo ang Rain or Shine kontra sa UAAP champion na La Salle habang nakatakas din sa overtime ang Converge kontra sa Phoenix sa pag-arangkada ng 39th Kadayawan Invitational Basketball Tournament kahapon sa USEP Gym sa Davao City.

Naukit ng Elasto Pain­ters ang 106-105 comeback win laban sa bagito ngunit palabang Green Archers habang kinailangan ng FiberXers ng overtime bago takasan ang Fuel Masters, 132-127.

Bumida para sa RoS ang import na si Aaron Fuller na humakot ng 33 puntos at 18 rebounds, tampok ang game-winning basket sa huling minuto.

Solido rin ang ambag ni Andrei Caracut na tumikada ng krusyal na lay-up bago ang game-winner ni Fuller para baliktarin ng Elasto Painters ang 102-105 na deficit sa huling dalawang minuto.

Show comments