MANILA, Philippines — Bukod kay two-time world champion Caloy Yulo, ay ready na rin sina gymnasts Aleah Finnegan, Emma Malabuyo at Levi Jung-Ruivivar na sumalang sa 2024 Paris Olympic Games.
Sasabak sina Finnegan, Malabuyo at Ruivivar sa qualification rounds ng women’s artistic gymnastics all-around event bukas.
Mauuna si Yulo sa kanyang kampanya sa men’s all-around qualification ngayong alas-9:30 ng gabi.
Bukod sa all-around event ay lalahok din sina Finnegan, Malabuyo at Ruivivar sa vault, uneven bars, balance beam at floor exercise.
Kahapon ay nagkaroon ang 18-anyos na si Ruivivar, ang pinakabatang miyembro ng 22-man Team Philippines, ng “severe allergic reaction”.
Sinabi ng Pinay gymnast na hindi niya alam kung ano ang nangyari sa kanya.
“This Monday, I was taking an evening walk when I began to have an anaphylactic reaction. I didn’t ingest tree nuts (to which I am allergic) or suffer from a bug bite, but for some reason I suffered from a severe allergic reaction,” wika Ruivivar sa kanyang photo caption sakay ng ambulance at sa loob ng clinic.
“When I got back to my room, I called my parents and got help from my roommate Aleah (Finnegan) to find the medical emergency clinic in the Village. On the way to the treatment center my allergy symptoms escalated rapidly and my breathing became significantly labored, my throat began to constrict, my chest was itching, and I had severe swelling,” dagdag nito.
Matapos mabigyan ng lunas ay sinabi ni Ruivivar na “100 percent” ready na siyang sumabak sa aksyon.