Santiago-Manabat masaya sa Flying Titans

MANILA, Philippines — At home na at home si Dindin Santiago-Manabat sa bagong tahanan nito sa Choco Mucho Flying Titans sa Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference.

Kaya naman walang pagsisisi si Santiago-Ma­nabat na lumipat ito sa kampo ng Flying Titans na binubuo ng mga palaban na players.

Galing si Santiago-Manabat sa Akari Chargers.

Nakaharap ng Choco Mucho ang Akari noong Martes kung saan natalo ang Flying Titans sa iskor na 18-25, 16-25, 25-21, 25-23, 15-13.

“I am so happy with Choco Mucho, and there is no regrets, really. All of my teammates are very positive. All that happened today, and in the past, we all take it positively. It is like a reminder that not all the time you will be at the top. You really have to work hard to get what you want,” ani Santiago-Manabat.

Sa naturang laro, nagtala si Santiago-Manabat ng 16 puntos para pamunuan ang Flying Titans sa matikas na ratsada nito.

Walang sama ng loob si Santiago-Manabat sa kanyang dating team na Chargers.

“I am very happy to go against them, and I know that they did a lot of adjustments. I am so happy, I don’t have any issues with them or anger, I am just happy. The way I performed today is for Choco Mucho,” paglilinaw ni Santiago-Manabat.

Dalawa na ang kabiguan ng Choco Mucho.

Subalit walang balak ang kanilang tropa na mawalan ng pag-asa lalo pa’t nagsisimula pa lamang ang kumperensiya.

 

Show comments