^

PM Sports

Sadorra, Quizon palalakasin ang PH Team sa Chess Olympiad

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Atat na ang Pinoy chess fans na makitang tutu­lak ng piyesa ang Phi­lippine Chess Team sa 44th World Chess Olympiad na magsisimula sa Setyembre 10 at magtatapos sa 23 sa Budapest, Hungary.

Ito’y dahil lalaro si  US-based Grandmaster Julio Catalino Sadorra at GM elect at International Master Daniel Quizon.

Ipinahayag ng Natio­nal Chess Federation of the Philippines na mu­ling lalaro sa Pilipinas  ang 37-anyos na si Sadorra bilang top board para sa Budapest-bound national team kung saan ay makakasama niya ang reig­ning national champion na si Quizon, GM John Paul Gomez at IMs Paolo Bersamina at Jan Emmanuel Garcia habang si GM Eugene Torre ang magsisilbing coach.

Ilang taon din lumiban si Sadorra sa national team matapos sumulong ng piyesa sa tatlong Olympiads sa Tromso, Norway noong 2014, Baku, Azerbaijan (2016) at Batumi, Georgia (2018).

Hindi naglaro si Sadorra sa 2022 edition sa Chennai, India at sa dalawang online event noong 2020 at 2021 dahil sa commitments nito sa kanyang pamilya at bilang coach sa UT Dallas chess team.

Sa women’s team, angat ang pangalan nina WGM Janelle Frayna, WIM Jan Jodilyn Fronda at Woman FIDE Master Ruelle Canino, ang reigning national women’s champion.

Nakatutok din ang Pinoy fans kay Quizon dahil kailangan na lang nitong mapaabot ang kanyang elo rating sa 2500 para makuha ang titulong grandmaster.

vuukle comment

CHESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with