One win away si Alex Eala para marating ang main draw ng nakaraang French Open at Wimbledon.
Ganoon din ang Olympics. Kung naipanalo ang kanyang semifinal match sa 2023 Asian Games, automatic sana siyang pasok sa 2024 Paris Games.
Pero pursigido si Alex.
Kitang-kita ito sa amazing feat niya sa paghugot ng double championships – singles at doubles – sa W100 Vitoria-Gasteiz sa Spain noong nakaraang araw.
Sa kanyang talent, dedication at resolve, malamang eventually aabot ang kanyang karera sa paglalaro sa grand slam events at sa Olympics.
‘Yun nga lang, kailangan niyang magpursigi pa nang husto para tumaas sa world ranking o magbanat ng buto sa mga qualifying tourneys.
Pero sa edad na 19, siguradong mas gagaling pa si Alex sa mga parating na taon.
Maaaring regional qualifier para sa 2028 Los Angeles Olympics ang 2027 Nagoya Asian Games.
Kung mahigitan ni Alex ang kanyang bronze-medal feat sa 2023 Asiad, lusot siya sa LA Games.
Isa sa siguradong mag-a-attract ng malaking crowd sa Paris Games ang tennis competitions kung saan sasalang ang mga gaya nina Rafael Nadal, Novak Djokovic, Carlos Alcaraz, Naomi Osaka at Coco Gauf.
Kung hindi natalisod sa Asiad semis, kasama sana si Alex sa elite cast sa Paris.