MANILA, Philippines — Pinapirma na ng kontrata ng Rain or Shine at NorthPort ang kanilang mga nakuhang rookies sa nakaraang PBA Season 49 Draft.
Lumagda ang No. 8 overall pick na si Fil-Swede guard Felix Lemetti sa isang three-year rookie deal sa Elasto Painters, habang one-year contract ang pinirmahan ni No. 13 selection Francis Escandor.
Hindi pa napapapirma ng RoS sina Caelan Tiongson, Mike Malonzo at Darwish Bederi.
Samantala, isang three-year rookie contract ang nilagdaan ni dating La Sale guard at second round pick Evan Nelle para sa Batang Pier.