Walang dudang ang kampanya ng Team USA sa men’s basketball ang aabangan ng mga Pinoy bukod sa laban ng mga pambansang atleta sa nalalapit na Olympics sa Paris.
Sa kinabukasan ng July 26 opening ceremony ang simula ng Olympics men’s basketball, pero July 28 pa ang unang laro nina LeBron James at kanyang mga teammates kontra Serbia.
Kasama sa mga sasagupain ng Team USA ang Puerto Rico at South Sudan sa group play.
Masasabing balikatan ang labanan sa grupo ng Australia, Greece, Spain at Canada, samantalang nasa isang grupo pa ang France, Germany, Japan at Brazil.
Top two sa bawat grupo ang automatic na uusad sa knockout stage.
Nakalaan ang natitirang two slots sa two best-placed third placers sa group phase.
Aug. 6 ang quarterfinals, Aug. 8 ang semifinals at Aug. 11 magkakaalaman kung sino ang mag-uuwi ng Holy Grail sa Olympic basketball.
Matapos ang masaklap na performance sa 2023 FIBA World Cup, habol ng Team USA ang redemption sa Paris Games.
Hahataw sa mithiin na ito sina James, Steph Curry, Kevin Durant, Joel Embiid, Bam Adebayo, Anthony Davis, Devin Booker, Jrue Holiday, Jayson Tatum, Tyrese Haliburton, Derrick White at Anthony Edwards.
Kung nakalusot ang Gilas Pilipinas sa Olympics, sila sana ay nasa Group B kasama ang France, Germany at Japan.
At kung makadikit kontra France at Germany at makahugot ng magandang panalo kontra Japan, may prospect na marating ang knockout stage.
Hayyyyy! Pero ‘di bale, nariyan ang 2028 LA Olympics para kina coach Tim Cone at kanyang koponan.