Nauna ang mga Webb.
At narito na ngayon ang mga Abarrientos.
Ito ang mga bloodlines na nagkaroon ng representasyon ng tatlong henerasyon sa PBA.
Hinugot ng Webb ang milestone sa pamamagitan ni Freddie Webb (Tanduay), anak na si Jason (Sta. Lucia, Tanduay) at apong si Joshua (Kia).
Papasunod sa kanilang bakas ang mga Abarrientos ngayong nakatakdang mapasama sa Barangay Ginebra team si RJ – third pick overall sa katatapos na PBA Season 49 Rookie Draft.
Dahil kasalukuyang lumalaro si RJ sa koponang Strong Group sa Jones Cup sa Taipei, si uncle Johnny A. ang masayang nag-represent sa draft proceedings.
“Blessing sa buong pamilya,” ani Johnny, ang second-generation PBA player sa pamilya na sumunod sa kanyang uncle na si Billy.
Maaaring hindi magtagal eh, sasama sa elite group ang mga Banal.
Nauna si Joel (Great Taste) na sinundan ng mga anak na sina Gab (GlobalPort, TNT, Alaska) at Ael (Blackwater).
Nakalinyang maging third-generation pro player si Noah na miyembro ng Gilas Youth na naglaro sa World Cup sa Turkey.