MANILA, Philippines — Umariba agad ang pambato ng Calabarzon Region na si Micaela Jasmine Mojdeh nang sumisid ito ng dalawang bagong rekord sa 2024 Palarong Pambansa swimming competition sa Cebu City Sports Center sa Cebu City.
Ito ang huling taon ni Mojdeh sa Palaron.
Kaya naman nais nitong magkaroon ng magarbong exit nang burahin nito ang rekord sa girls secondary 200m butterfly event kung saan naglista ito ng 2:41.75.
Mas maganda ito kumpara sa lumang rekord ni Xiandi Chua na 2:43.78 noong 2019 Palaro.
Nauna nang naglista si Mojdeh ng bagong rekord sa secondary girls 200m butterfly event hawak ang 2:19.72 para basagin ang dating marka na 2:22.69 na kanya ring naisumite noong 2019 sa Davao.
“I guess when I was 12, I was very concerned with other people’s expectations and this time I just really had to let go of those expectations and really just enjoy myself,” sabi ni Mojdeh.
Hahataw pa si Mojdeh sa apat na individual events at dalawang relays.
“I was really nervous because even though this isn’t an international competition, I know the whole Philippines is watching and they’re really counting on me but at the end of the day I just really wanted to enjoy my swim and get a good time,” dagdag ni Mojdeh.
Patuloy ang pagwasak sa mga rekord sa Palarong Pambansa kabilang na ang bagong marka na naitala ni Charles Daniel Turla ng Western Visayas Region sa athletics.