MANILA, Philippines — Nasa bansa na naman si dating NBA star Dwight Howard na mainit na tinanggap ng mga Pinoy fans sapul pa nang lumapag ito sa Ninoy Aquino International Airport.
Inihayag ng NBA Slam Dunk king ang kanyang pagdating sa mga social media accounts.
“Manila I’m back! Meet me at the airport now,” ani Howard.
Bumisita si Howard sa bahay ni businessman Chavit Singson sa Ilocos Sur kung saan namangha ito sa ipinakitang mga gold bars ng negosyante.
Nakatakda ring bisitahin ni Howard ang Kalibo, Aklan ngayong araw para sa meet and greet kasama ang mga local fans doon.
Idaraos ang programa sa Andagao Covered Court.