^

PM Sports

Tigresses nakabangon agad

Nilda Moreno - Pang-masa
Tigresses nakabangon agad
Na-blocked ni Rayme Fuentes ng UST ang kill ni Chilo Maignos ng SOX sa Shakey’s Super League National Invitationals.
SSL photo

MANILA, Philippines — Nakabangon agad mula sa pagkakadapa ang University of Santo Tomas matapos kalmutin ang 25-17, 25-18, 28-30, 25-14 panalo kontra Soccsksargen sa four sets ng 2024 Shakey’s Super League National Invitationals na nilaro sa Ninoy Aquino Stadium sa Manila kahapon.

Tumikada si Margaret Altea ng 17 points mula sa 11 spikes, limang blocks at isang service ace upang tulungan ang España-based squad na ilista ang 1-1 karta sa Pool B.

Nabulaga ng University of Batangas Lady Brahmans ang UST, 25-16, 28-26, 17-25, 17-25, 18-16 sa opening day matapos yumuko sa limang sets.  

Dahil sa panalo malaki ang tsansa ng Golden Tigresses na sumampa sa susunod na phase sakaling talunin ng UB ang SOX ngayong alas-2 ng hapon sa parehong lugar.

Tangan ng Lady Brahmans ang 1-0 card habang 0-1 ang karta ng Soccsksargen na kailangan makuha ang panalo sa una upang manatili ang tsansa na umusad depende sa resulta ng tie breaks.

Matapos ipakita ang bangis sa unang dalawang sets ay napalaban ng todo ang Golden Tigresses sa set 3 kung saan ay nasalto ang ang asam na sweep win.

Pero hindi na pinaporma ng UST ang katunggali sa fourth set, niratrat na nila ito sa paluan upang makuha ang madaling panalo. 

Samantala, pinalakas ng University of S­outhern Philippines Foundation ang kanilang tsansa sa quarters matapos talunin ang Lyceum of the Philippine, 25-19, 17-25, 25-23, 25-19 upang hawakan ang No. 2 spot sa Pool C tangan ang 1-1 karta.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with