^

PM Sports

Belen, Canino masayang magkasama sa Alas

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Masaya sina Bella Belen at Angel Canino na magkasama na ito sa iisang team — sa Alas Pilipinas — mula sa kanilang pagiging mortal na magkaribal sa UAAP women’s volleyball wars.

Alam ni Belen na marami pa silang ibubuga sa mga susunod na laban ng Alas Pilipinas lalo pa’t unti-unti nang nabubuo ang solidong samahan ng tropa.

“Happy kasi nakasama ko si Angel sa national team. Siyempre, kalaban ko siya ng UAAP, ngayon magka-teammate na kami,” ani Belen na reigning UAAP MVP.

Parehong UAAP Rookie-MVP sina Belen at Canino.

Kaya naman walang duda na malaki ang maitutulong ng dalawa sa Alas Pilipinas.

“I think magiging maganda yung connection namin pag nag-training pa nang matagal. I think kaya namin i-bring out yung best sa aming dalawa,” ani Belen.

Kung si Canino ang tatanungin, mas nanaisin nitong maging teammate si Belen sa halip na makalaban sa isang torneo.

“Actually, natutuwa kasi sabi ko nga sa kanila na mas pipiliin ko pang maging teammate si Bella kaysa kalaban so sa tagal ko din pong gustong maka-teammate ulit si ate Bella, I’m very happy na naging teammate ko siya right now,” ani Canino.

Hindi naman ito ang u­nang pagkakataon na na­ging magkasama sina Belen at Canino sa isang team.

Naglaro na ang da­lawa para sa Pilipinas sa 2019 Asean Schools Games kung saan nakapag-uwi ang tropa ng pilak na medalya. 

vuukle comment

ANGEL CANINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with