^

PM Sports

Pinay spikers minalas sa mga Vietnamese

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Minalas ang Alas Pilipinas na masilat ang malakas na Vietnam, 14-25, 22-25, 21-25, sa knockout quarterfinals match ng 2024 FIVB Women’s Volleyball Challenger Cup kahapon sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Manila.

Bigo ang mga Pinay spikers na maduplika ang makasaysayang bronze medal finish sa nakaraang AVC Challenge Cup na pinagreynahan ng mga Vietnamese.

Lalabanan ng Vietnam sa semis ngayong alas-6:30 ng gabi ang Czech Republic.

Sa unang laro, sinibak ng Czech Republic ang Argentina, 25-15, 25-22, 25-16, para umabante sa knockout semifinals.

Humataw si team captain Michaela Mlenkova ng 13 points mula sa 12 attacks at isang blocks, habang may 10 markers si Gabriela Orvosova para sa Czech team.

Ang tropang magrereyna sa torneo ang sisikwat sa tiket para sa 2025 Women’s Volleyball Nations League main group.matter for us,” sabi ni Mlenkova.

Magtutuos naman ang Belgium at Puerto Rico sa isa pang semis match matapos talunin ang Sweden at Kenya, ayon sa pagkakasunod.

vuukle comment

VOLLEYBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with