^

PM Sports

Ghost target makadalawa sa Triple Crown

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naghayag ng pagsali ang Ghost sa 2024 Philracom 3rd Leg Triple Crown Stakes Race na ilalarga sa Hulyo 21 sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas.

Walang triple sweep ngayong taon dahil ang Ghost ang nagwagi sa first leg, habang ang Bea Bell ang nanalo naman sa second leg.

Subalit ang Ghost lang ang may tsansang makadalawa dahil hindi kasali ang Bea Bell sa third leg.

Bukod sa Ghost, ang ibang naghayag ng paglahok sa event na may nakalaang P2.5 million guaranteed prize na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta ay ang Added Haha, Amazing, Batang Manda, High Dollar, Primavera, Still Somehow at Worshipful Master.

Rerendahan ni reigning Philippine Sportswriters Association (PSA) Jockey of the Year awardee John Alvin Guce ang Ghost, puntirya nilang masungkit ang premyong P1.5 milyon sa event na may distansyang 2,000 meters.

Kukubrahin ng second placer ang P562,500, habang ang P312,500 at P125,000 ang ibibigay sa third at fourth placers, ayon sa pagkakasunod.

Ibubulsa naman ng breeder ng mananalong kabayo ang P125,000 at may P75,000 at P50,000 ang second at third finishers, ayon sa pagkakahilera.

Ang karera ay suportado ng Philippine Racing Commission (Philracom) at tiyak na naghahanda na ang mga trainers at hinete upang makamit ang inaasam na panalo sa karera para sa mga batang kabayo.

vuukle comment

PHILRACOM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with