^

PM Sports

Ka Rex ratsada sa 4-Cock Derby

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patuloy ang pagpapakitang gilas ni sabong sensation Ka Rex Cayanong dahil muli itong namayagpag nang magkampeon sa  katatapos na 4-Cock Derby na binitawan sa ruweda ng San Roque Cockpit Arena sa Marikina City.

Kumisisi ang mga warriors ni Cayanong upang umiskor ng perfect four points ang Ka Rex 1.1M  August 20 6-Stag Derby sa Antipolo na siyang entry name nito sa nasabing Big Time na paderby ng Five Angels ni Engr. Inday at inasiste ni Noel at ng SRCA Management.

May dalawa pang naka perfect four points, co-champions ni Cayanong ang entries na October 23 5 Stag  Boynita SRCA at D & A  Sept 27 2 Hits Ulutan sa Antipolo.

Ginamit ni veteran Broadcast Journalist Cayanong ang kanyang dalawang Mayahin at isang Sweater at Kelso, binitawan niya ang mga ito upang talunin ang entry na Arangkada Sto. Nino at saglit lang pinatay ang Bulik na kalaban.

Pangalawang iskor ni Cayanong nang pupugin ang Jerome July 29  2 Hits ulutan, isinunod ang Fidel & Caloy at huli ay ang Delta  Sigma Family  PCCR.

Pinalakpakan ng mga mamamago at sabungerong nagta-trabisya ang mga pandiin na manok ni Cayanong dahil mga showtime at sandali lang pinagpapatay ang mga kalaban.

Naging katuwang ni Cayanong sa paghanda ng manok ang handler na si  Kagawad Carlito Torres.

 

vuukle comment

DERBY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with