LeBron hihingi ng bagong kontrata sa Lakers

LeBron James

LOS ANGELES — Hindi ginamit ni LeBron James ang $51.4 milyon sa kanyang final year sa Lakers para maging isang free agent.

Ngunit inaasahang hihingi ang four-time NBA champion ng potential maximum three-year deal na $162 milyon sa Lakers at makagawa ng kasaysayan kasama ang  anak na si Bronny James.

Ang 19-anyos na si Bronny James ang pinili ng Lakers bilang No. 55 sa kabuuang 58 picks sa nakaraang NBA Draft.

Sina LeBron at Bronny James ang posibleng maging kauna-unahang father-son duo sa NBA.

Sinabi ng Lakers na magsusuot si Bronny James ng No. 9 jersey at ilalagay ang “James Jr.” sa kanyang uniporme.

Nagposte si James, magiging 40-an­yos sa Disyembre, ng mga averages na 25.7 points, 8.3 assists at 7.3 rebounds  game para sa Lakers sa nakaraang season.

Show comments