Risacher top pick ng Hawks

NEW YORK -- Kinuha ng Atlanta Hawks si Zaccharie Risacher ng France bilang No. 1 pick sa 2024 NBA Rookie Draft.

Ito ang ikalawang sunod na taon na isang French player ang piniling top overall selection matapos si 7-foot-4 Victor Wembanyama na kinuha ng San Antonio Spurs.

Ang 19-anyos at 6’9 na si Risacher ang nagwagi ng best young player award sa French League sa nakaraang season at i­nungusan ang kababa­yang si Alex Sarr sa karera para maging top pick.

Ang seven-footer na si Sarr ay pinili ng Washington Wizards bilang No. 2 overall pick.

Ang iba pang nakuha sa top 10 ay sina No. 3 Reed Sheppard (Houston Rockets), No. 4 Stephon Castle (Spurs), No. 5 Ron Holland (Detroit Pistons), No. 6 Tidjane Salaun (Charlotte Hornets), No. 7 Donovan Clingan (Portland Trail Bla­zers), No. 8 Rob Dillingham (Minnesota Timberwolves), No. 9 Zach Edey (Memphis Grizzlies) at No. 10 Cody Williams (Utah Jazz).

Show comments