Valdez umaasang susuportahan din ang PH men’s volley
MANILA, Philippines — Dinumog ng fans ang 2024 Men’s Volleyball Nations League (VNL) na ginanap sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Mismong si Creamline star Alyssa Valdez ang nakakita sa suportang ibinigay ng Pinoy fans sa mga volleyball superstars ng VNL.
Kaya naman umaasa si Valdez na magpapatuloy ang suporta ng mga Pinoy fans hindi lamang sa mga VNL stars maging sa mga Pilipinong naglalaro sa Spikers’ Turf.
“We’ve learned a lot what more especially those volleyball-beginners, this is a good exposure for them,” ani Valdez.
Magandang simula ang VNL para maipagpatuloy ang momento sa Spikers’ Turf.
“Hopefully we can do better and improve and hope this could start people giving more attention to Spikers’ Turf. Let’s support the volleyball games as they support the other teams here in VNL,” ani Valdez.
Mismong si Valdez ay may fangirl mode sa VNL.
Nagpakuha pa ito ng picture sa ilang sikat na players gaya ni playmaker Micah Christenson ng United States at outside hitter Yuki Ishikawa ng Japan.
Idineklara pa ni Valdez na isang volleyball nation na ang Pilipinas.
“I think right now we’re a volleyball country or a nation and it’s really good to see that the arena is jampacked,” ani Valdez.
- Latest