^

PM Sports

Iran hinataw ang ika-2 dikit na panalo

Russell Cadayona - Pang-masa
Iran hinataw ang ika-2 dikit na panalo
Hinatawan ni Esmaeilnezhad Amin ng Iran ang player ng Netherlands sa Week 3 ng Men’s 2024 Volleyball Nations League (VNL).
Russell Palma

MANILA, Philippines — Ipinagpatuloy ng talsik nang mga Iranians ang panggugulat sa Pool 6 Week 3 ng Men’s Volleyball Nations League (VNL).

Ito ay matapos pabag­sakin ng Iran ang Netherlands, 25-22, 22-25, 25-21, 20-25, 15-10, para sa kanilang ikalawang sunod na arangkada kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nagbitbit ang mga Iranians ng 0-8 record bago sumalang sa Manila leg.

Nauna nilang ginulantang ang United States, 26-28, 25-23, 25-18, 26-28, 15-13, noong Miyerkules.

Kumamada si Amin Esmaeilnezhad ng 28 points mula sa 24 attacks, tatlong blocks at isang service ace para sa Iran kasunod ang 27 markers ni Poriya Hossein Khanzadeh.

Binanderahan ni Ni­mir Abdel-Aziz ang N­etherlands, may 3-7 baraha ngayon, sa kanyang 37 points galing sa 27 attacks, siyam na service aces at isang block.

Sa unang laro, pina­dapa ng Canada ang Germany, 25-19, 25-18, 25-21, para sa kanilang ikalawang sunod na panalo sa Manila leg.

Naglista sina Stephen Timothy Maar at Arthur Szwarc ng tig-15 points habang may 11 markers si Eric Leoppky para sa 6-4 kartada ng mga Canadians na nauna nang tinalo ang mga Japanese, 25-21, 20-25, 25-15, 20-25, 15-10, noong Martes.

“We have already qua­lified for the (2024 Paris) Olympics, we’re now t­rying everything to be in the final eight,” sabi ni coach Tuomas Sammelvuo ng Canada. Minalas ang mga Germans na maiposte ang ikatlong sunod na panalo at nahulog sa 4-6 marka.

Umiskor si Moritz Karlitzek ng 13 points mula sa 12 kills at isang service ace para banderahan ang Germany.

“Our team had pretty flawless volleyball. Germany fought the good fight at the end, but we handled it really well so I’m for the team,” wika ng 6-foot-8 outside hitter na si Maar.

Humataw ang Canada ng 46 attacks kumpara sa 31 ng Germany at may walong blocks laban sa tatlo ng huli.

Nakatakdang labanan ng mga Canadians ang mga Brazilians ngayong alas-3 ng hapon, samantalang sasagupain ng mga Germans ang mga Americans bukas ng alas-11 ng umaga.

VOLLEYBALL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with