Kaya pa ba ng Mavericks?

Ang tuwa ng asawa kong Tex-Mex (Texan-Mexican) nang manalo ang Dallas Mavericks sa Game 4 ng NBA Finals kontra sa Boston Celtics na inilaro sa Dallas.

Iwas-sweep ang manok naming Dallas (shempre, taga-Texas kami eh)

Hindi makapaniwala ang asawa ko na dinurog, inilampaso, binarubal ng Mavericks ang Celtics na paboritong team sapul nang magsimula ang season na nagdomina sa kanila sa unang tatlong games ng best-of-seven finals series.

Ang daming nagtatanong, anong nangyari sa Boston at matambakan sila ng 48 points sa isang finals game? Walang makasagot.

Baka kasi gusto nilang manalo sa sariling balwarte… pero malaking sugal ito dahil binigyan nila ng buhay ang gumagapang nang Mavericks.

Sobrang taas ng morale ngayon ng Mavs sa nakuha nilang panalo na puwedeng nagbigay sa kanila ng tsansa sa historic win bilang unang team sa NBA na nakabangon sa 0-3.

For sure, mag-a-adjust ang Boston para makabawi, pero ang asawa ko, siguradong kakapit pa rin sa Dallas na nakakuha na ng momentum.

Malaki pa rin ang advantage ng Celtics dahil isang panalo na lang ang kanilang kailangan sa hu­ling tatlong laro ng serye na maaari nilang makuha sa Game 5 nitong Lunes ng gabi (Martes Manila time).

Show comments