Dallas – Iniskor ni Luka Doncic ang 25 sa kanyang 29 points sa first half, habang nagdagdagsi Kyrie Irving ng 21 markers sa 122-84 pagbugbog ng Mavericks sa Boston Celtics sa Game Four ng NBA Finals.
Nag-ambag si Tim Hardaway Jr. ng 15 points na kinamada niya lahat sa fourth quarter at humakot si rookie center Dereck Lively II ng 11 points at 12 rebounds.
Ang nasabing 38-point final margin ang ikatlong pinakamalaki sa isang NBA Finals game sa likod ng pagsuwag ng Chicago Bulls sa Utah Jazz, 96-54, noong 1998 at ang 131-92 paggupo ng Boston sa Los Angeles Lakers noong 2008.
Diniskaril ng Mavericks ang tangkang 4-0 sweep ng Celtics sa kanilang best-of-seven championshp series para sa 1-3 agwat.
Napigilan din ang 10-game postseason winning streak ng Boston.
“It’s real simple. We don’t have to complicate this. This isn’t surgery,” sabi ni Dallas coach Jason Kidd. Ibabalik ang Game Five sa Boston sa Martes.
Naiwanan ang Mavericks ang Celtics ng 13 points sa first quarter at nabaon sa 38 markers sa third period.
Ang pinakamasaklap na kabiguan sa NBA Finals ng 17-time champions na Celtics ay ang 104-137 kabiguan sa Lakers noong 1984.
Umiskor si Jayson Tatum ng 15 points, habang may 14 at tig-10 markers sina Sam Hauser, Jaylen Brown at Jrue Holiday, ayon sa pagkakasunod.