Idederetso na ng Boston?

Yes, madami nang nag-iisip na wala nang kawala sa Boston Celtics ang NBA title pagkatapos nilang dominahin ang Dallas Mavericks sa Game 1, 107-89.

Kung titingnan ang mga betting odds at predictions, pabor lahat sa Boston lalo pa’t bumalik na si Kristaps Porzingis mula sa injury.

Heavy favorite na ang Boston sapul nang magbu­kas ang season dahil sa lalim ng kanilang bench, ga­yundin ang Milwaukee Bucks pero nalaglag sa unang round ng playoffs, habang sunud-sunod na sinibak ng Celtics ang Miami Heat (4-1) at Cleveland (4-1) bago nila na-sweep ang Indiana (4-0) para makara­ting sa finals.

Sa pagbabalik ni Porzingis na isang buwang na­­­wala dahil sa calf injury sapul noong Game 4 ng first round series kontra sa Miami, umiskor ito ng 20 puntos.

Siyempre hataw kala­baw pa rin sina Jaylen Brown at Jayson Tatum.

Kumayod naman si Luka Duncic ng 30 points pero kinulang ng su­­porta sa kanyang mga ka­sama kung saan 12 points lang ang kinaya ni Kyrie Irving.

Dahil taga-Texas ka­mi, siyempre sinusuportahan namin ng aking asa­­wa ang Dallas, pero ami­nado ka­ming tagilid ang Mavericks matapos ang mga pangyayari sa Game 1.

Gayunpaman, uma­asa kaming iba ang mangya­yari sa Game 2. Sabi ni hubby, baka na­­ngangapa pa lang ang Dallas sa Game 1 at hopefully, makakapag-adjust sila.

Show comments