Dawa pasikat sa Philippine STAR Olympics chess tourney

MANILA, Philippines — Napalaban si sportswriter Elech Dawa bago nasikwat ang korona sa katatapos na Philippine STAR Olympics Chess Blitz event na nilaro sa fourth floor ng PhilStar Bldg. sa Sucat, Parañaque.

Nakalikom si Dawa ng 12.5 points sapat upang pagharian ang nasabing chessfest.

Pumangalawa naman si veteran sportswriter at dating pambato ng Polytechnic University of the Philippines (PUP), Joey Villar na nakalikom ng 11.5 puntos.

Dumaan sa butas ng karayon si Dawa bago kinalos ang 12 nakatagisan ng isip, habang nakipaghatian ito ng puntos kay Villar sa fourth round sa tournament na dinaluhan ni CEO/President PhilSTAR Media Group Miguel Belmonte.

May tsansa sana si Villar na makisalo sa tuktok kay Dawa pero nasilat siya sa 13th at last round kay Junrey Duga-Duga.

Lumanding sa third si Elmer Bacasmas na may 11 puntos, pang-apat si Duga-Duga (11 points), pang-lima si Marilou Escudero (9 points) habang ang anak ni Belmonte na si Santi ay inupuan ang pang-walong puwesto na may 5.5 points.

Show comments