^

PM Sports

Olympic-bound athletes may bonus sa mga Senador

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Anuman ang maging resulta ng kanilang kampanya sa Olympic Games sa Paris, France ay hindi uuwing luhaan ang mga national athletes.

Tatanggap na kasi sila kaagad ng cash incentives mula sa pangako ng mga Senador sa pangunguna ng P23 milyon ni Sen. Risa Hontiveros, ayon kay Phi­lippine Sports Commission (PSC) Chairman Richard Bachmann.

“Twenty-three million is only from Senator Risa Hontiveros then Senator Bong Go has a figure already. May additional siya. There’s also additional from other senators direct to the athletes already na pinasa lang sa PSC and I just signed a cheque siguro mga P30 plus millions,” ani Bachmann kahapon sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Rizal Memorial Sports Complex.

Base sa Cash Incentives Act ng gobyerno, ang kukuha ng Olympic gold ay bibigyan ng P10 milyon habang P5 milyon at P2 milyon para sa silver at bronze, ayon sa pagkakasunod.

Milyun-milyon ang nakuha ni weightlifter Hidilyn Diaz nang buhatin ang kauna-unahang Olympic gold medal ng bansa sa Tokyo Games habang may tig-isang silver sina Nesthy Petecio at Carlo Paalam at bronze ni Eumir Felix Marcial sa boxing.

May 15 atleta nang nakakuha ng Olympic berth para sa Paris Games na nakatakda sa Hulyo 26 hanggang Agosto 11.

Ang mga ito ay sina Petecio, Paalam, Marcial, Aira Villegas at Hergie Bacyadan sa boxing, pole vaulter EJ Obiena, gymnasts Carlos Yulo, Aleah Finnegan, Levi Jung-Rui­vivar at Emma Malabuyo, weightlifters Vanessa Sarno, John Ceniza at Elreen Ando, fencer Sam Catantan at rower Joanie Delgaco.

Pondong P52 milyon ang itinabi ng PSC para sa preparations, training at actual participation ng mga Olympic-bound athletes.

 

vuukle comment

ATHLETE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with