Obiena naka-silver sa Bislett Games

MANILA, Philippines — Matapos pumangpito sa kanyang huling torneo, bumawi si Asian champion Ernest John Obiena nang humirit ng silver medal sa 2024 Bislett Games na ginanap sa Oslo, Norway.

Nagrehistro si Obie-na ng 5.72 metro para ma­siguro ang ikalawang pu­westo sa men’s pole vault event.

Naibulsa ni KC Lightfoot ng Amerika ang ginto tangan ang 5.82 metro.

Kasosyo ni Obiena sa ikalawang posisyon si Emmanouil Karalis ng Greece na may parehong 5.72 metro na nakuha.

Hindi naging madali ang lahat para kay Obie­na.

Sa ikalawang sunod na pagkakataon ay mu­ling nasira ang pole nito.

Ipinakita ni Obiena ang lahat sa kanyang social media.

Nagpasalamat naman si Obiena sa mga tumulong sa kanya.

Pinahiram si Obiena ng pole nina Lightfoot at Menno Vloon ng Nether­lands upang maipagpa­tuloy nito ang kanyang kampanya.

Naghahanap na si Obiena ng kapalit na pole para sa susunod na tor­neong lalahukan nito sa Stockholm, Sweden na bahagi pa rin ng Diamond League.

Makakalaban ni Obie­na sa Stockholm si world record holder at world champion Mondo Duplantis ng Sweden na de­sididong wasakin ang world record sa harap ng kanyang kababayan.

Show comments