PBA bukas sa players na nais bumalik

MANILA, Philippines — Bukas ang pintuan ng PBA para sa mga players na naglaro sa abroad at gustong bumalik sa liga sa oras na matapos ang kanilang kontrata doon.

Ito ang inihayag ni PBA commissioner Willie Marcial kung saan tatlong players na ang bumalik sa bansa para muling maglaro sa liga.

Sinabi ni Marcial na hindi nito masisisi ang mga players na naglalaro sa abroad lalo pa’t kung makabubuti ito para sa kanila at kanilang sinusuportahang pamilya.

“Those players who play abroad, for me, that’s OK, they are trying to make a living. That’s good for their future, good for their family,” ani Marcial.

Maihahalintulad ang mga players na ito sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) na nagtutungo sa ibang bansa para kumita ng mas malaki.

“They are just like doctors (working overseas) but like I said before, they will still come back at some point and they will eventually play in the PBA. In fact, three players already came back to play in the PBA,” ani Marcial.

Ilang players na naglalaro sa Japan B.League at Korean Basketball League ang natapos na ang kontrata.

Kabilang na rito sina Kiefer Ravena ng Shiga Lake Stars at Thirdy Ravena ng San-En Neophoenix na naglaro sa Japan B.League, at si Rhenz Abando na nasilayan naman sa aksiyon sa Korean Basketball League kasama ang Anyang.

 

Show comments