Boston winalis ang Indiana sa semis

Lumipad si Jayson Tatum ng Celtics para dak­dakan si An­drew Nembhard ng Pacers sa Game 4.

INDIANAPOLIS — Isinalpak ni Derrick White ang tie-breaking 3-pointer sa huling 43 segundo para tulungan ang Celtics sa 105-102 pagtakas sa Indiana Pacers sa Game Four at isara ang Eastern Conference finals sa 4-0.

Maglalaro ang Boston sa kanilang ikalawang NBA Finals appearance sa huling tatlong seasons at lalabanan ang mananalo sa Western Conference finals series ng Dallas Mavericks at Minnesota Timberwolves.

Angat ang Mavericks sa Timberwolves sa 3-0.

Tumapos si White na may 16 points kasama ang 1-of-8 shooting sa 3-point line.

“Great shot. We work on that all the time, two-on-one reads,” ani Jaylen Brown na kumamada ng 29 points. “Before that, I told D White just to stay ready and that was a big shot, a big shot to send us to the finals.”

Nagdagdag si Jayson Tatum ng 26 points, 13 rebounds at 8 assists.

Tumipa si Andrew Nembhard ng 24 points, 10 assists at 6 rebounds para sa Indiana habang may 19, 15 at 14 markers sina Pascal Siakam, T.J. McConnell at Aaron Nesmith, ayon sa pagkakasunod.

Naimintis ni Nembhard ang potensyal sanang triple na nagtabla sa Pacers sa Celtics sa huling mga segundo ng laro.

Show comments