MANILA, Philippines — Napaso na ang kontrata ni Kiefer Ravena sa Shiga Lakes na naglalaro sa Japan B.League Division 2.
Kasama si Ravena sa Shiga Lakes na nagkampeon sa Division 2 ng B.League kung saan nagtala ito ng averages na 12.4 points, 5.5 assists, 2.8 rebounds at 1.1 steals.
Nagpasalamat si Ravena sa pamunuan ng Shiga Lakes sa mainit na pagtanggap at pag-alaga sa kanya habang naglalaro ito sa Japan.
Hanga ang Pinoy cager sa mga nakasama nito sa team partikular na sa dedikasyon nito sa paglalaro.
“To all my teammates, I love you all! We’ve been to the trenches! In all my basketball, I was blessed to be at war with the most professional people on and how the court,” ani Ravena.
Malaki rin ang pasasalamat ni Ravena sa mga fans na patuloy na sumusuporta sa kanya saan man ito maglaro.
“Took a leap of faith and started a new life with Shiga. I was accepted for who I was as a player and as a person. I’m forever grateful to the organization, front office, staff, teammates, coaches, boosters and fans,” ani Ravena.
Nauna nang nag-expire ang kontrata nina Thirdy Ravena (San-En Phoenix), Kai Sotto (Yokohama B-Corsairs), AJ Edu (Toyama Grouses) at Matthew Wright (Kyoto Hannaryz).