Caloy may ginto na naman sa Asian Championships

Caloy Yulo
STAR/File

MANILA, Philippines — Muling bumanat ng gintong medalya si world champion Carlos Edriel Yulo sa 2024 Asian Championships Men’s Senior Artistic Gymnastics na ginaganap sa Tashkent, Uzbekistan.

Nangibabaw si Yulo sa kanyang paboritong men’s floor exercise kung saan naglatag ito ng solidong performance para masiguro ang gintong medalya.

Umani si Yulo ng 14.933 puntos para ma­ta­gumpay na madepensahan ang kanyang korona sa floor exercise sa naturang Asian meet.

Ito ang ikatlong sunod na ginto ni Yulo sa floor exercise sa Asian Cham­pionships kung saan naghari rin ito noong 2023 at 2022 edisyon ng torneo.

Inilampaso ni Yulo si Milad Karimi ng Kazakhs­tan na may 14.600 points para sa pilak gayundin si Yang Yanzhi ng China na may malayong 14.200 puntos para sa tanso.

Sa kabuuan, may dalawang gintong medalya na si Yulo matapos angkinin ang ginto sa individual all-around noong Biyernes.

Hindi naman pinalad si Yulo na makahirit ng medalya sa still rings kung saan nasa ikaanim na puwesto lamang ito bunsod ng nakuha nitong 13.533 points.

Show comments