Hindi natin namamalayan, mahigit dalawang buwan na lang ay ayan na ang Paris Olympics.
Sa ngayon, may mahigit 100 atleta na ang U.S.A. na nag-qualify sa Paris Games.
At dahil marami pang magaganap na qualifying tournaments ay inaasahang lolobo pa ang bilang na ito dahil daang-daang American athletes pa ang sasalang sa mga qualifying tournaments.
Ine-expect na aabot sa 500 athletes more or less ang ipapadala ng Amerika sa Paris.
Malayung-malayo ito sa mga numero ng Philippines.
Ang Pinas ay may 12 athletes nang nag-qualify. Pa-13 once na maging official ang qualification ng weightlifter na si Rosegie Ramos.
May 12 pang Pinoy athletes ang inaasahang magku-qualify bago ang Olympiad sa July 26-August 11.
Sina pole vaulter EJ Obiena at gymnast Carlos Yulo, boxers Eumir Felix Marcial at Nesthy Petecio ang mga malakas na pambato natin para pantayan ang gold medal ni Hidilyn Diaz sa Tokyo Olympics na kaisa-isang Olympics gold ng Pinas.
Habang ang USA…. makikipagbakbakan sila sa paghakot ng medalya kontra sa pareho nilang powerhouse na China para idepensa ang overall title.
Sa huling Tokyo Olympics ang Pinas ay may 1-gold (Hidilyn), 2-silvers (Petecio at Carlo Paalam ng boxing) at bronze ni Marcial, habang ang USA ay may 39-gold, 41-silver at 33-bronze kasunod ang China (38-32-19).
Ang layo ng diperensiya natin sa USA at China…. Pero kasi ‘yung resources naman ng USA at China na parehong malalaking bansa at hindi makatarungang ikumpara ang Pinas sa kanila.