Sa kakanood ko sa Tiktok, may nalaman ako na malamang alam na rin ng iba pero nakaka-amaze lang na malaman.
Marami palang Hollywood movies ang gumamit ng arnis sa mga fight scenes.
Tiningnan ko ang mga armas sa arnis, una sa listahan ang baston o ang kamagong o yantok, ‘yung dalawang mahahabang kahoy.
Iyong jedi sword sa Star Wars, palitan lang ng yantok, malinaw na malinaw na arnisador ang mga jedi masters.
Balisong, itak, bolo at iba pang kauri nito na armas din sa arnis ay makikita sa mga fight scenes ng iba’t ibang pelikula.
Si Captain America, arnisador din. ‘Yung kanyang ‘shield’, isang uri ng sandata sa arnis, ang panangga.
Si Matt Damon, gumamit din ng arnis sa kanyang Bourne Movies. Steven Seigal movies, Rambo, at marami pang iba.
Ang galing diba.
Amazing na may influence pala ang Pinoy Martial Arts sa mga foreign movies.
Nakita ko ‘to sa video ni Datu Tim Hartman, ang president ng World Modern Arnis Alliance.
Siya ay estudyante ni Grand Master Remy A. Presas, ang founder ng modern Arnis.
****